Wednesday, October 24, 2012

Paano nga ba maghanap ng trabaho sa Canada?

By: JC Lindog

Ito ang tanong ko sa sarili ko bago ako nagdecide mag migrate sa Canada. Ano kaya ang magiging trabaho ko pagdating ko doon, kapareho din kaya ng ginagawa ko dito sa Pilipinas?”

Ngaun, alam ko na ang sagot sa tanong ko, ang tao ang gumagawa ng kapalaran nya. Kung pipiliin mo na mag-aral or mag-upgrade ng iyong kaalaman mas magiging malaki ang chances mo makapag-apply sa trabahong gugustuhin mo. Dahil halos lahat ng mga trabahong nasa opisina or mas mataas na posisyon kaysa tinatawag nilang “Entry Level Job” ay kinakailangan magpakita ka ng certification na nagpapatunay na nag-aral ka sa bansang Canada. Kahit ang mga matagal ng Nurses na taon na ang binilang sa pagsisibi sa mga ospital sa Pilipinas ay kinakailangan pa rin mag-upgrade ng kaalaman nila. Minsan lang talaga ay nakakapanghinayang dahil hindi ang bansang Canada ang kikilala sa mga karanasanan mo kung ano man ang naging trabaho mo sa bansang pinanggalingan ng isang tao. Maging ang mga Doctor, Dentista, Abogado, Engineer, mga Guro at marami pang iba ay kailangan pa din nilang magsasnay na naayon sa kanilang propesyon sa Canada. Tinatawag nila itong “Canadian Education” na kaunti lamang sa ating mga Pilipino ang may kakayahan at pagkakataon makapag patuloy ng pag-aaral para lamang magkaron ng magandang hanap-buhay.

Para sa mga ordinaryong Pilipino tulad ko na hindi nagkaron ng pagkakataon magsanay or mag upgrade ng kaalaman dahil sa pinansiyal na aspeto, may mga option pa din naman na nakatulong kung paano ko natangpuan ang kasalukuyan kong trabaho. Kaya noong sabihin ng asawa ko na bago ako magpunta ng Canada na ihanda ko daw ang sarili ko para sa anumang posibleng mangyari sa aking paghahanap ng trabaho. Alam nya na masaya ako sa pagtuturo at maaring maisip kong maghanap din ng kaparehas na trabahao. Kailangan ko daw mag-umpisa mula sa ibaba bago ko makuha kung ano man ang gustuhin kong aplayan. So ginagawa ko, I set my mind na kahit anong trabaho papasukan ko para magkaron lamang ng “Canadian Experience”.

Pagkarating ko ng bansa, ika-27 ng Abril kinabukasan ay sinamahan ako ng aking asawa na magtungo sa Service Canada para kumuha ng SIN.


Social Insurance Number (SIN) - Service Canada
http://www.servicecanada.gc.ca/eng/sc/sin/


Madali lang ang processing ng card na ito, maari nyong bisitahin ang link na nasa itaas upang malalaman nyo ang mga procedures. Matapos ang higit kalahating oras, nakuha ko ang information na kailangan ko. Katumbas nito at TIN (Tax Identification No) sa Pilipinas. Mahalagang ingatan ang card na ito huwag hayaan maibigay o malaman ng ibang tao. Sobrang personal ito na maaring magkaron ka ng problema kung sakaling magamit mo ito sa maling paraan.



Sa paghahanap ng mapapasukan at sa taong hindi namimili ng trabaho, madali lang ito matagpuan. Kung ikaw ang tao na maraming kinaaayawan sa paghahanap, malamang magiging mahirap sayo ang gawin ito. Maraming websites na maari mong puntahan sa INTERNET para magpasa ng iyong Resume. Ang ilan sa mga website na pwede mong pagkatiwalaan na tunay na naghahanap na mga kumpanya ay ang mga ito:

    
Try to open the links:



Ang ibang option para magkaron ka ng work na maaring close sa hinahanap mo ay pagdalo sa mga “JOB FAIR” na madalas ay binubuo ng mga malalaking kumpanya ng mga sasakyan, hotels & restaurant, food manufacturing, oil industry, call centers at marami pang iba. Possible din na may mga agency na naghahanap ng mga empleyado para sa kanilang client. Kadalasan, sa mga agency naguumpisa ang ibang mga Pilipino at matapos ang ilang buwan ay nagiging permanent na sila sa trabaho.

Ang ilan sa mga agency na naghahanap ng mga empleyado lalo na sa Entry Level job ay:


Ang pinaka madaling paraan ng pag-aapply ng trabaho ay thru submitting your resume sa email address ng company. Kinakailangan din sundin and Canadian Format ng resume. Hindi gaya sa Pilipinas, pahabaan ng resume, kadalasan 3-5 pahina ang kailangan mo ihanda para mas malaki ang chance mo matanggap. Sa Canada, ang resume ay kailangang 1-2 pahina lamang at detalyado. Hindi mo kailangan maglagay ng picture at mga taong nakakakilala sayo ng personal. Hindi mo din kailangan ilagay ang buong detalye ng iyong personal na information gaya ng edad, birthday, timbang at kung anu-ano pa. Check this link on how to create the standard format for Canadian resume.

Canada Resume Guide

www.canadavisa.com › Work in Canada



TIPS: Sa paggawa ng Resume, dapat sundin ang standard format. Gawing isang pahina lamang at detalyado ang mga ito.Iwasan ang mga font style na kakaiba sa standard font style at size ng text. Gumamit lang ng “Times New Roman”, “Courier New” or “Arial” na font at 11-12 lamang ang sizes. Iwasan din ang maglagay special characters sa inyong resume.

Tandaan: Hindi nakasalalay ang pagkakaroon mo ng trabaho sa ganda ng resume mo kundi kung paano mo dalhin ang sarili mo at imarket ang kakayanan mo sa trabahong gusto mo pasukan.

Sundan lang po ang mga susunod na article para sa ibang information kung ano ang ibat-ibang klase ng buhay ng mga kapwa natin Pilipino sa bansang Canada.

Maraming Salamat.





The above blog post is brought to you by Jerry Lindog, who enjoys helping people who wants to earn extra income while working on the internet. For more information, please visit http://www.viloria.net/swa-pinoy/swa-jerryultimatebiz.html

To know more about Jerry Lindog, who enjoys helping people find great deals on the internet. Click here to get to know more about Jerry Lindog.


Please like this page if you think it is helpful to you.

5 comments:

  1. Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete
  2. Looking for an exta income ? Be part of our community and WORK AT HOME.
    Work as ONLINE DATA ENCODER, RESEARCHER and ADVERTISER and earn P200-300
    Daily. For more details send a message to my inbox or visit us @ www.unemployedpinoys.com

    ReplyDelete
  3. Great Post! I am a freelancer.. working as a Researcher and Data Entry Specialist.. it is really great to work at home :-)

    Kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/ for more details on how to be a Freeman Working at home.

    ReplyDelete
  4. good news for job seekers.. want to work online at the comforts of your home ..try this site if your still searching online jobs ...
    BUILD YOUR CAREER ONLINE WHILE BEING A FREEMAN
    Start working at home and visit us at http://www.unemployedpinoys.

    ReplyDelete
  5. salamat at nabasa ko ang mga info na ito

    ReplyDelete